Pages

Monday, August 25, 2014

Mr. Right......Now

Since bentang benta sakin yung post ni Tin tungkol sa ka-hopian namin ni Kim, sige ishe-share ko na paano ba ko nagsimulang nahilig sa hopia. Syempre isa lang naman sagot dyan, boylet! Aneberr. Kung
pwede ko lang ipagsigawan kung sinetch ba ito haayy matagal ko ng ginawa, kaya lang ayaw namin ng issue hahaha! Another hopia moment tin.

Isa talaga siya sa mga highlight ng bakasyon at summer ko sa Pinas. Hindi ko alam kung anong nakain o nainom niya nung nagkakilala kami at tinawagan niya ako agad while he's driving home after the party. Never ko inimagine na mabe-bet nya ko. Choz! Inimagine ko! Agad agad!
Na picture out ko na nga yung wedding namin, at kung paano ko babaguhin yung pirma ko. haha! Nakakahiya na ba 'tong mga sinasabi ko? Pero kebs, itatawid ko na to. 

Ayun na nga, unang una ang gwapo niya. Delikado nanaman, haha! Pero ibang level to, hindi basta bastang gwapo lang. Gwapong may sense sa lahat ng bagay, gets nyo na yan! Ibang level yung pagka-passionate at dedication nya sa work, yung pagiging practical niya in terms of money, (as Kim and Tin would always say, "kuripot") pero wapakels, siguro kasi total opposite ko siya pagdating sa paggastos kaya lalo ako na-attract sa kanya. Yung first time niya na-meet mga friends ko, pero bago kami umuwi close na sila, well not all my friends naman, meron din against sa relasyon namin (push ko talaga yung "relasyon") syempre kasama sa buhay yan. Ang perfect naman ni kuya kung bet siya lahat ng friends ko, walang ganun. haha! Gusto ko din yung pagka-conyo at simpleng ugali niya at the same time, may challenge diba. :D

Dumako naman tayo sa kilig moments! Ang laki ng ngiti ko while typing. haha

  • Kapag natawa ko sa joke niya, ipapakita na niya yung "mayabang face" niya sakin kasi bumenta yung joke niya with matching hawak sa siko. Kinilig talaga ko sa siko! haha 
  • Hindi ko alam kung anong meron sa simpleng pagddrive lang ng kotse, gwapong gwapo ako sa pagka-hotness niya habang nagddrive siya,(if that make any sense) lalo na kapag titingin siya sakin at mag-ssmile. Juice colored! Gusto kong tumalon sa Skyway nung mga time na yun. haha!
  • My love and hate relationship with saying goodbyes whenever we go out. Mostly love, kasi yun yung time na halos pareho kaming ayaw pauwiin yung isat isa. Yung hindi niya mabitaw-bitawan ung kamay ko at gusto kong butasin yung gulong nung kotse niya wag lang syang umuwi. I'm weird. 
  • That moment when I first ride in his car, at yung song is my all time favorite song. I die!
  • Yung akala ko ordinary day lang, and as I was planning to sleep. Suddenly, he called telling me he's on his way to my place. BEST. NIGHT. EVER.
  • And last is just as simple as making me smile and making me believe in love all over again. :D

Kahit it didn't turn out the way I/we wanted too.(LDR is bad news) Happy pa din ako kasi someone like him came into the most unexpected time of my life,and I thank God for giving me a chance to met someone who taught me how good things could be and at the same time how real it had to be for it to work.


And as for you Mr Right Now, thank you! For the times you made me happy and those crazy confusing
times as well, without which I would never have as much clarity as I do now. Turns out "almost" does count for something.


-Joy


No comments:

Post a Comment