Sa totoo lang, hindi ko alam ano ba ipo-post ko or ise-share for my very first entry for our blog. haha! Funny thing is matagal ko ng plan to create my blog pero obviously plan pa din sya hanggang ngayon. Busy kasi kaka-YOLO haha. Anyway, I just think why not blog about these two wonderful girls I have in my life. (kinilig naman silang dalawa oh haha) So eto na nga, I've been friends with these two, Kim and Tyn, ever since I can remember. Oh sige na nga since high school, at simula nun hindi na kami mapaghiwalay. We did almost everything together, at ngayon natatawa na lang kami sa mga pinagagagawa namin dati. Ganon pala yun, yung mga kagagahan mo dati, pagtatawanan mo na lang pagdating ng araw. Lalo na kung ginawa mo yun with your best friends. :p
So here's a little background on why I am glad I'm friends with these two.
Kim, well sa mga nakakakilala sa kanya. Alam nyo na how she is as a friend. Siya yung taong ilalaban ka ng patayan. Siya yung taong, you can call at 3am in the morning just because you have no one to talk to and you needed to cry. I will never forget how she was there for me nung mga panahong broken hearted ako, from making my "broken hearted" playlist to always checking up on me before she sleeps. Kahit malayo ako, naramdaman ko talaga yung care nya sakin, and how she would always tell me to be brave. Feeling ko kasi samin tatlo ako ung pinaka mahina, ako ung mananahimik na lang sa isang tabi at iiyak kapag may umapi sakin, pero Kim taught me how to fight, how to defend myself kapag naagrabyado na ko, at kung hindi ko man kaya, dyan na sya papasok,haha. Kaya for those who don't know this girl, alam ko iisa ang tingin nyo sa kanya, suplada, masungit, high maintenance, spoiled, the type of girl who gets what she wants whenever she needs it. But you're wrong, because there's more to her than just her pretty face. :)
Tyn, we all have that one friend haha. Syempre hindi kumpleto ang "KyJoTyn" kung wala sya. Si Tyn naman ung friend na i-totolerate ka sa mga kagagahan at ka-hopian mo, and i love her for that, yung minsan nawawalan ka na ng pag-asa pero siya positive lang, #puso haha. Yung taong pwede mong kwentuhan ng paulit-ulit pero hindi siya nagsasawang makinig. Siya din yung madali kong nahihila kung saan saan, mahina kasi sa tukso eh. Konting lambing ko lang dyan na samahan ako, go sya agad. May paninisi nga lang sa huli, knowing na nag enjoy din naman sya. :p Siya yung palaging nagtetext sakin kung nasan na ba ko, nakauwi ba ko ng maayos and just so you know Tyn, sobra ko yun naa-appreciate. ;)At kahit anong pang-bubully namin sa kanya minsan, I think she's the bravest among the three of us. :)
It's not much, but it's my little way of saying THANK YOU to you girls, for all the things I've been through nandiyan kayo palagi and for the good and crazy times we had, I will always treasure that. I may have done something good in my life to deserved friends like you and I'm so so grateful for that. Love you two! :)
-Joy




No comments:
Post a Comment